Ang Legend ng Notebuk na Lumilipad
![]() |
| Welcome to Apayao |
"Batch, may reunion daw tayo sa April. Uuwi ka ba?" mga tanong na pumukaw sa aking tahimik na pakikipagbaka sa mga zombing nagpupumilit i-tresspass ang aking hardin. Focus ako sa kagustuhan kong mapabagsak ang kanilang nagmamayabang na tagapaglikhang scientist na si Dr. Zomboss.
Bumadya sa aking screen ang mga mensahe ng aking mga kaklase nung hayskul sa aming group chat. Binasa ko ang mga mensahe na may kalakip ng pagkayamot ngunit napalitan ito ng pagkasabik nang malaman kong gaganapin ang kauna unahang reunion ng aming paaralan. Tuwa ang aking naramdaman sapagkat sa loob ng walong taon ay mabibigyan ako ng pagkakataon na makausap at makita ang aking mga dating kaklase at mga guro ngunit kalakip din nito ang hindi maipaliwanag na kaba at pangamba. Kaba sa malaking posibilidad na hindi ako makapunta dahil sa aking trabaho at pangamba sa aking sarili na baka panghinaan ako ng loob at kainin ako ng aking pagkaduwag. Ganun pa man, masaya pa rin akong nakipagpalitan ng mensahe sa aking mga dating kaklase. Nagkakumustahan ng buhay buhay ngunit mapapansing ang usapan ay naksentro sa magaganap na reunion. Napag usapan ang venue ng reunion at nagkaalaman kung sino ang mga makakasama. Pagkaraan ng ilang minutong balitaan, humupa na ang palitan ng mensahe. Isa isang nagpaalam ang mga miyembro sa chatbox at unti unti na rin naglaho ang mga lumulutang na tuldok na nagbibigay ng babala sa paparating na mensahe at sa paghupa ng ingay, tanging ang aking pangalan lang ang naiwan. Marami akong mga gustong itanong sa aking mga dating kaklase. Mga tanong na nagtatago sa "Kumusta ka na?" Napaisip ako, yung dating clown ng klase namin, seryoso na kaya siya ngayon? Yung dati kong kaklaseng masipag maglista ng mga maiingay noon, may sari-sari store na kaya siya? Yung palaging nananalong muse noon, nagkatuluyan kaya sila nung prince charming ng seksyon namin? Palagi kasi silang blind item noon eh. Mga tanong na nangingiliti sa aking isipan.
Ay hayskul life. Sabi nga nila hasykul daw ang pinakamasayang bahagi ng buhay ng isang estudyante. Ito kasi yung mga panahon na interesado tayo sa mga maraming bagay. Atat na makasalamuha sa totoong mundo. Ito yung mga panahong nagagamit natin ang rasong "Bata kasi" sa mga bawat pagkakamaling nagagawa. Napakasarap ng buhay hayskul lalo na sa mga batang pinanganak ng 90's dahil nasa panahon tayo na napalagitnaan ng pag usbong ng teknolohiya at sa teknolohiyang progresibo na. Bumalik ang alaala ko sa unang gamit ko ng computer nung nasa ikatlong taon na ako ng hasykul. Nagkagulo ang mga tao. Di mahulugang karayom ang office ni Prinsipal nang ideliver nila ang bagong computer ng aming paaralan. Paksa ng usapan ng mga guro, magulang at mga estudyante. Kumalat ang balita na parang apoy. Bawat isa ay umaasa na masilayan man lang ang itsura ng computer na sa paglalarawan at lektyur lang ni Sir nagkakaroon ng pisikal na imahinasyon ang mga mag aaral.
Walang projector, walang internet. Namumuting pisara, nanlilimahid na libro na sa sobrang kalumaan ay may mga ugat nang nagbabadyang sumibol at syempre sa mga walang kamatayang kwentong pampelikula ni Ma'am. Ganyan kami tinawid ni Ma'am noon. Pinasan niya kami sa kanyang mga balikat at pinunan ang mga pagkukulang ng mga kinauukulan. Matiyaga siyang nagsulat sa pisara kaya dapat matiyaga rin kaming mangopya sa lektyur niya.
Nakasanayan na namin na sa bawat pagtatapos ng grading ay kailangang magpasa ng notebuk na may lektyur. Kinagagalitan ko noon ang gawain na ito sapagkat inuubos nito ang oras na dapat inilalaan ko sa pag abang sa paglaro ng basketbol ni Eugene - yung crush ng lima kong kaibigan at ako. Huling grading na noon kaya abala ang bawat isa sa aming seksyon na kumpletuhin ang notes ni Ma'am. Parating na siya dahil naririnig na namin ang malutong na takatak ng kanyang sapatos. Bumungad siya sa pintuan, dala dala niya ang kanyang libro at maliit na baton na wari mo'y mag li lead ng orchestra. "Pass your notebooks.NOW." Base sa ekspresyon ni Ma'am, marahil ay kinaltasan siya ng malaki sa kanyang GSIS loan. Pasahan na ng notebuk. Noon akala ko yung nagsulat ng Bullshit dun sa box na laan sa pagdadissect ng palaka na ikinagalit ng aming baguhang Biology teacher ang pinakamatapang na sa klase ngunit nagkamali ako. Ang tunay na matatapang ay yung nagbibilang na si Ma'am pero nagsusulat pa rin sila. Tapos na ang sampung segundong palugit ngunit sige pa rin ang pagpatong nila ng mga notebuks. Unti unting natakpan ang mukha ni Ma'am ngunit ramdam ko ang pagbabadya ng isang malaking unos sa araw na iyon. Nagdilim ang kalangitan.Dumagundong ang isang malakas na kulog na sinabayan pa ng kidlat. Napatingala na lang ako at napabulong, "Ikaw na po ang bahala sa amin." At sumabog na nga ang Bulkang Vesuvius. Tumayo si Ma'am at hinakot ang mga notebuk sa kanyang harapan at buong lakas niyang inihagis ang mga ito sa labas ng klasrum. At doon ako unang nakasaksi na pwede palang lumipad ang notebuk.

Haha nice!
ReplyDeleteSalamat. Tatak Kwentong Masterbeth.Hahaha
DeleteSa pagkagaling naman oy !
ReplyDeleteKala ko lumipad talaga yung notebuk like my magic lol hinagis lang naman pala
ReplyDelete