Ispolarium
by Beth

Ang init ng gabi ay humupa na
Ang nag aalab na damdamin
Ay napawi na ng
Bugsong dala ng pananabik
Na sinakop na ng haplos
Ng hanging malamig


Ang mga matang nagliliyab
Ngayo'y puno na ng agam - agam
Habang tahimik na lumuluha't
Nakatitig sa aninong hubad
Tapos na ang mga sandali
Impit na pag - iyak
Dala'y hinagpis

Comments